Kahalagahan ng Pamilya
Ang kahalagan ng pamilya ay mahalaga sapagkat dito nag uumpisa at dito hinuhubog ang isang pagkatao ng bawat isa. Ito ang sandigan ng bawat isa sa twing may problema at dito rin humuhugot ng lakas ng loob ang bawat isa kapag may dumadating na problema. Ang ibang kabataan ay napapariwara ang buhay sa kadahilanang ang pundasyon ng kanilang pamilya ay mahina at walang pag kakaisa. Ang mga kabataan na galing sa broken family ay nasisisira ang kanilang buhay sapagkat nagrerebelde sila at natututo rin silang gumamit ng mga ipinagbabawal na gamot. Pero hindi lahat ng mga kabataan na galingbsa broken family ay napapariwara ang buhay, ang iba ay ginagamit itong inspirasyon sa buhay para maging matagumpay sila sa kanilang mga pangarap. Mahalaga ang pamilya dahil sila ang mas higit na nakakaintindi sa atin sa mga panahong wala tayong masasandalan sa panahon ng puro problema lang ang dumarating sa buhay. Ang kahalagahan ng buong pamilya na ito ay kayang mong humarap sa mundo na buo ang iyong pagkatao dahil sa pamilya at masaya ang may buong pamilya.
Una sa lahat, ang isang Pilipino ay bahagi ng kanyang pamilya. Kahit siya ay doktor, manunulat, siyentipiko, o ano pa man, nananatili siyang ama o anak, pamangkin o apo, sa loob ng kanyang pamilya. Dito ay iba ang kanyang katungkulan at ang pagkakakilala sa kanya. Sa lahat ng oras ay pangunahin sa kanya ang kanyang tungkulin bilang kasapi ng isang pamilya.
Ang pinakaubod ng pamilyang Pilipino ay ang ama, ina at mga anak. Ang ama ang pinakapuno ng pamilya. Siya ang nasusunod at nagpapasya para sa pamilya. Sa kabilang dako ay tungkulin niyang pakainin, bigyan ng matitirhan at papag-aralin ang mga miyembro ng kanyang pamilya. Kaya siya ang nagtatrabaho at kumikita ng pera. Ang ina naman ang bahala sa bahay at sa pag-aalaga ng mga bata. Siya ang humahawak ng pera ng pamilya at pinagkakasya ito sa pangangailangan ng pamilya. Ang mga anak naman ay may responsibilidad rin. Sagutin nila ang mahusay na pag-aaral at ang pagtulong sa bahay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento